“THANKS for the online feature” ang tweet ni Anne Curtis bilang pasasalamat sa pagpi-feature sa kanya ng Vogue magazine Australian edition. May hashtag si Anne na #KILIG.

Mahaba ang feature article na sinulat ni Janelle Okwodu na pinamagatang “It’s Showtime for Anne Curtis, the Filipino-Aussie Actress With Effortless Style.” Binigyan pansin ang style ni Anne at marami siyang photos sa article.

Si Anne ang first Filipino celebrity na na-feature sa Vogue magazine. Bongga! (NITZ MIRALLES)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist