FATIMA, Portugal (AP) — Tuluyan nang idineklarang santo ni Pope Francis ang dalawang batang Portuguese na nakakita sa Birheng Maria, may 100 taon na ang nakalipas.

Iprinoklama ni Pope Francis sina St. Francisco at Jacinta Marto sa simula ng misa kahapon.

Daan-daang libong pilgrim ang dumalo, marami sa kanila ang namalagi nang ilang araw sa Fatima upang taimtim na magdasal, magrosaryo sa rebulto ng Madonna.

Naiulat na nagpakita sa magkapatid at sa kanilang pinsan, si Lucia, ang Mahal na Birhen noong Marso 13, 1917 habang pinapakain nila ang kanilang mga tupa.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Sinabi nila na isiniwalat sa kanila ng Mahal na Birhen ang tatlong lihim — ang impiyerno, pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, komunismo at ang pagkamatay ng isang Santo Papa — at hinikayat silang ipagdasal ang kapayapaan.