PROBLEMA sa asawa at sangkot din ang pulitika sa pag-aalsa-balutan ng isang sikat na showbiz personality. Nangibang-bansa ang nasabing personalidad na matatagalan daw ang pananatili roon.

Hindi batid ng aming source kung inaayos o magkakaayos pa ang mag-asawa.

Bagamat may series of personal apperances ang nasabing personality abroad, hindi raw sapat na dahilan ito para iwanan ang pamilya at magtagal doon. May usap-usapan namang nasagap ang aming spy na maaring na-depress daw ang showbiz personality dahil sa isang show na kinabilangan niya na madalas siyang napag-iiwanan ng mga kasama.

Mas pinag-uusapan at mas napapansin daw kasi ang mga kasamahan niya kaysa kanya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

In fairness, maituturing na malaking artista ang nasabing showbiz personality at may malaki na rin naman ang naiambag at napatunayan sa telebisyon at pelikula kaya hindi naman dapat na balewalain na lang.

Obserbasyon ng source namin, kadalasan daw ay ang mga kasamahan niya sa show ang napipili ng upcoming talents, samantalang siya na maituturing nang haligi ng showbiz ay halos binabalewala lang.

Ang isa pa raw marahil sa worries ng showbiz personality ay ang pagbabalik-pelikula nito. Kung kailan daw kasi handang-handa na siya ay saka naman tumanggi ang makakatambal niya.

“Kayang-kaya naman ni _____ (showbiz personality) ang pagsubok na ‘yan pero ang hindi niya matanggap ay ang problema nilang mag-asawa sa ngayon. Pero sana maayos nila ‘yan,” sey pa ng source. (JIMI ESCALA)