Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation (NBI) at Federal Bureau of Investigation (FBI) kaugnay ng pagkakaaresto sa isa umanong American child webcam cybersex operator sa Mabalacat, Pampanga kamakalawa.

Ayon kay NBI Anti-Human Trafficking Division chief Janet Francisco, hindi sila titigil hanggat hindi nabubulok sa kulungan ang inarestong suspek na si David Timothy Deakin, 53.

"Dapat mabigyan s’ya ng leksiyon. Dapat din mahuli ang mga kasabwat niya, sigurado kaming may mga katuwang s’ya sa kanyang ilegal na gawain, dapat mapanagot din sila," pahayag ni Francisco. (Beth Camia)

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20