BEIJING (Reuters) – Walo katao ang namatay nang yanigin ng magnitude 5.5 na lindol ang hilagang kanlurang rehiyon ng Xinjiang, China kahapon.

Sinabi ng China Earthquake Administration (CEA) na nakasentro ang lindol sa Taxkorgan County area ng Kashgar Prefecture sa lalim na 8 kilometro. Iniulat din ng Xinhua news agency na 11 katao ang nasugatan.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na