Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang American pedophile na wanted sa Texas dahil sa umano’y pagkakasangkot sa child pornography.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, dinampot ng fugitive search unit (FSU) ng BI si Christopher Wayne Walker, 60, sa kanyang bahay sa Darasa, Tanauan City, Batangas nitong Lunes.

Si Walker ay may arrest warrants na inisyu ng korte sa Burnet County at Bend County sa Texas kung saan siya kinasuhan ng jumping bail at child pornography, ayon sa pagkakasunod.

Idinagdag ni Morente na nag-isyu na ang BI board of commissioners ng summary deportation order laban kay Walker noong Abril 23.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kasalukuyang nakakulong si Walker sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. (JUN RAMIREZ)