BIBISITA ang It’s Showtime host at komedyanteng si Vhong Navarro sa Jeepney TV upang maghatid ng katatawanan bilang Icon of the Month ngayong Mayo.

Ipapakita ng Streetboys alumnus ang kanyang mga galaw sa BTS: Vhong Navarro, isang behind-the-scene documentary special, at sa JTV Star Showcase, isang entertainment special tungkol sa kanyang mga hindi malilimutang pagganap sa telebisyon. Siya rin ay itatampok sa Sunday Hi-Way kasama ang mga nakakatawang pelikula na Da Possessed at Gagamboy.

Bukod sa iba’t ibang karakter na ginampanan ni Vhong, magbabalik din ang iba pang hindi malilimutang mga karakter na sina Juan mula sa Juan dela Cruz ni Coco Martin, at Imang mula naman sa Kampanerang Kuba ni Anne Curtis.

Sa Juan dela Cruz, si Juan ay isang ulilang lumaki sa kabaitan at paniniwala sa Diyos. Sa kanyang paglaki, sasali si Juan sa Kapatiran, grupo na may misyong ubusin ang mga aswang. Hindi alam ni Juan na siya pala ay kalahating aswang, anak ng Haring Aswang, at ang Anak ng Dilim base sa propesiya. Gayunman, ang kanyang ina ay isang Kapatiran, mula sa angkan ng mga tagapagtanggol gamit ang Bakal na Krus upang ipagtanggol ang mga tao laban sa mga aswang.

Rhian Ramos, itinangging ginagamit siya ni Sam Verzosa sa politika

Samantala, si Imang ay kampanerang kuba na sinusubok sa buhay dahil sa pangungutya ng mga tao sa kanyang itsura.

Matutuklasan niya ang totoo niyang mga magulang ngunit haharangin siya ng kanyang sakim na ama upang makapiling ang kanyang tunay na pamilya. Magpapakilala si Imang bilang ibang tao sa tulong ng isang mahiwagang kandila na nagpapaganda sa kanya tuwing sinisindihan.

Samahan si Vhong bilang Jeepney TV icon sa mga araw ng Linggo ngayong buwan ng Mayo sa Da Possessed na ipapalabas sa May 14, Gagamboy sa May 21 at sa BTS: Vhong Navarro sa May 28. Panoorin naman ang Juan dela Cruz tuwing Sabado, 3 PM, at ang Kampanerang Kuba tuwing Huwebes at Biyernes, 2 PM.

Mapapanood ang Jeepney TV sa SkyCable Channel 9, Destiny Cable Analog 41 at Digital 9. Para sa karagdagang updates, i-like ang Jeepney TV sa Facebook (www.facebook.com/JeepneyTV).