SANDARA AT ROBI1 copy

ITINANGGI na ni Sandara Park mismo ang isyu tungkol sa kanila ni Robi Domingo. Ipinagdiinan pa nang husto ng Korean star na walang namamagitan or something sa kanila na magaling na TV host.

Kahit may nakakakita kina Sandara at Robi sa South Korea kamakailan na very sweet daw sa isa’t isa dahil parang sila lang ang tao sa lugar na ‘yun, wala raw talaga silang relasyon, huh!

“We’re just friends ni Robi, and that’s it,” matipid na paliwanag ni Sandara at tipong iniiwasan talagang patulan ang nasabing isyu.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pero ayon naman sa isang kasamahang talent sa Dos, naniniwala raw siya na may itinatagong relasyon sina Robi at Sandara. Banggit ng aming source na ito, isang tao mismo na malapit kay Robi ang nagkumpirma sa kanya tungkol sa relasyong Sandara-Robi.

Paliwanag nina Robi at Sandara, iniiwasan nila na maapektuhan ng mga intriga ang “friendship” nila. Talagang close lang daw sila at walang dapat pagpistahan ang mga tao sa kanila.

“Naku, pustahan tayo, sa mga susunod na linggo, eh, aamin din ang dalawang ‘yan,” hirit ng source namin.

(JIMI ESCALA)