KASAMA ng GILAS Pilipinas sa Group B sa Asian qualifying ng FIBA World Cup ang Australia, Chinese-Taipei at Japan matapos ang isinagawang draw of lots nitong Lunes sa China.

Ipinapalagay na paborito ang Australia Boomers sa torneo mula nang pagkaisahin ng FIBA ang Asia at Ocenia para sa binagong format ng qualifying round para sa World cup.

Kabilang sa Australia team ang mga pamosong NBA player tulad nina Patty Mills (San Antonio), Ben Simmons (Philadelphia), Andrew Bogut at Dante Exum.

Mapapalaban din ang defending Fiba Asia champion China nang mapili sa Group A kasama ang karibal na Korea, Hong Kong at New Zealand.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nasa Group B naman ang dating Asian champion Iran kasama ang Iraq, Qatar at Kazakhstan, habang nasa Group C ang Lebanon, India, Syria at Jordan.