Karla copy

WALA mang binanggit na pangalan si Karla Estrada kung para kanino ang ipinost niya sa Instagram (IG) na quotation, sigurado ang mga nakabasa na tungkol ito sa birang Facebook post ni Richard Reynoso sa performance ni Daniel Padilla sa coronation night ng Bb. Pilipinas.

Sabi ng quotation na mula sa Lulu.The Good Vibe Company: “When someone judges you, it isn’t actually about you. It’s about them and their own insecurities, limitations, and needs.”

Matatandaang nag-react si Richard via FB sa napanood niyang performance ni Daniel sa Bb. Pilipinas. 

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

May fan ang aktor na unang nag-react bago si Karla, nagkapalitan sila ng pahayag and in fairness sa fan ni Daniel, hindi nito inaway at binash si Richard.

Sabi naman ni Richard, opinion niya ang kanyang ipinost at nag-sorry pa sa fan kung nasaktan ito sa obserbasyon niya.

Inulit ng singer na opinion niya ‘yun at hindi niya pinersonal si Daniel at walang kinalaman sa pagkatao ng aktor ang kanyang post. (NITZ MIRALLES)