Copy of Selena copy

HINDI hahanap-hanapin ni Selena Gomez ang perks ng pagiging celebrity kapag lumipas na ang kanyang kasikatan.

Isa ang 24-anyos na singer sa mga celebrity na dumalo sa Metropolitan Museum of Art’s Costume Institute Gala noong Lunes, at nagsalita siya para sa Humans of New York photographer na si Brandon Stanton. Nagbukas tungkol sa kanyang buhay, inamin ni Selena na gusto man niya ang perks ng pagiging celebrity, hindi naman niya ito hahanap-hanapin kung sakaling bigla itong maglaho.

“I feel like I’m just starting, but I think I’d be fine if it all went away. I get that from my mother. From the moment I started singing, she always reminded me that all of this was a privilege, and could be taken at any moment.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

So singing is not how I define myself.”

Idinagdag niya na ibinabase niya ang kanyang identity sa pagkakakilala sa kanya ng mga pinakamalapit at pinakamahal niya, at sa kanyang religious beliefs.

“I try to keep my identity rooted in my friendships and my faith,” aniya.

Bukod sa singing career, matagumpay na aktres din si Selena at sinusubukan din ang career sa likod ng camera sa pag-produce ng Netflix series na 13 Reasons Why. (Cover Media)