KANYA-KANYANG ang ibabahagi ng Kapuso stars sa kanilang biyahe sa 3 Days of Summer na mapapanood na ngayong Linggo (Mayo 7).

Ang 3 Days of Summer ay unique summer special presentation handog ng GMA Public Affairs na hihikayat sa mga manonood para hanapin ang mga natatanging paraiso sa Pilipinas hindi lamang para mag-selfie o group shot kundi upang mas makilala rin ang ating sarili.

Samahan sina Encantadia star Gabbi Garcia, Paolo Contis at LJ Reyes, Meant To Be leading men na sina Ken Chan, Addy Raj, Jak Roberto, at Jak Roberto sa pagtuklas kung saan at paano pumunta sa ilan sa Instagram-worthy destinations sa bansa. Pero higit sa magagandang tanawin, bibigyang-pansin din ng 3 Days of Summer ang iba pang mga dahilan kung bakit kailangang bumiyahe sa iba’t ibang lugar — ito ay upang makapag-nilay-nilay at mas mapabuti pang lalo ang sarili.

Bilang The Solo Traveller, patutunayan ni Gabbi na kayang maging masaya kahit na single at mag-isa lang sa biyahe sa kanyang pagbisita sa Antique.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sina Paolo at LJ naman ang Travelling Couple na lilipad patungong Davao Oriental. Mag-level up kaya ang kanilang relasyon sa pag-explore sa Mati City at Aliwagwag Falls?

Dahil magkakaiba ang personalidad at ugali, riot naman ang biyahe nina Ken, Addy, Ivan, at Jak. Bilang Travelling Barkada, magsisimula ang kanilang road trip sa La Union hanggang mapadpad sila sa Benguet province. At ang ultimate challenge ng barkada? Marating ang tuktok ng Mt. Ulap! Kayanin kaya nila ito? Masusubok din dito ang pagkakaibigan ng MTB boys.

Huwag palampasin ang two-part special na 3 Days of Summer ngayong Mayo 7 at 14 sa Sunday Night Box Office, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA-7.