MULING nagbabalik ang taunang Magayon Festival, isang buwang selebrasyon na kinatatampukan ng kultura ng Albay, culinary fare, native industries at natural wonders ng bansa, bilang May time tradition sa Albay.

Ayon kay Governor Al Francis Bichara, ang festival na ngayon ay ika-17 taon nang isinasagawa, ay una nang ipinagdiriwang tuwing Mayo hanggang sa ito’y ginawang Abril noong panahon ni dating Governor Joey Salceda.

“Albayanos working in other parts of the country, usually go home to attend their respective fiestas in their towns and barangays in May,” sabi ni Bichara.

Aniya, ang mga balikbayan, na karaniwang umuuwi sa Albay upang makiisa sa fiesta, ay magkakaroon ng tsansa na makapiling ang kanilang pamilya sa festival season, na nagsimula nitong Lunes.

“It will be a merry reunion with their loved ones,” ani Bichara.

Tampok sa festival ang pagkukuwento tungkol sa makasaysayang Mayon Volcano, na kilala rin sa tawag na “Daragang Magayon”, sa iba’t ibang bersiyon na pinasikat ni Bicolano historian Professor Merito B. Espinas ng Bicol University sa Legazpi, Albay.

Taglay ng Mt. Mayon, may taas na 2,462 meters above sea level, ang perpektong hugis na sinasabing kayang makipagsabayan sa ganda ng Mt. Fiji ng Japan.

Isa sa aktibong bulkan sa bansa, isa ang Mayon sa mga dinarayo ng mga turista. Malaking tulong din sa pagpapasigla ng turismo at economic activities ang sightseeing tour Mayon Volcano tuwing Magayon festival.

Pinakaaabangan ang Magayon festival dahil din sa sili-eating contest sa Peñaranda Park sa Old Albay District.

Ang nasabing contest ay sinelyuhan ni Iriberto Gonzales na kinilala bilang “sili king” ng Bicol region noong 2000 Magayon Festival.

Nagawang kumain ni Gonzales ng 350 piraso ng sili sa loob ng tatlong minuto dahilan upang makakuha siya ng titulo sa Guinness Book of World Records.

Lumaki sa Barangay Quirangay sa bayan ng Camalig, 28-anyos si Gonzales nang siya’y sumali sa contest noong 2000.

Noong panahong iyon, tanging sina Imelda Marcos, sa pagkakaroon ng maraming sapatos; at Paeng Nepomuceno, dahil sa sangkatutak ng World Cup title sa bowling, ang mga Pilipinong kinilala ng Guinness. (PNA)