Janine Gutierrez (11) copy copy

NAG-PANIC si Janine Gutierrez pagbalik niya sa taping ng afternoon prime drama series nila ni Mikael Daez na Legally Blind sa GMA-7 pagkatapos magbakasyon.

“Masyado akong nag-enjoy sa long vacation last week, na naka-bonding ko ang mga kapatid ko since wala si Mama (Lotlot de Leon) na nag-attend ng Houston International Film Festival sa Houston, Texas,” kuwento ni Janine. “May hang-over pa ako nang bumalik sa taping last Monday at nagulat ako nang hindi ko agad naibalik ang character ko bilang si Grace na bulag. Nag-panic talaga ako kung paano ko ibabalik o umarteng isang bulag.

“Kaya sabi ko, oh, my God, hindi na ako marunong magbulag! Para bang bigla kong nakalimutan ang lahat nang bago kami nagsimula sa soap namin, nagkaroon pa ako ng immersion sa school for the blind, at dahil lawyer ako, nag-join pa ako sa isang legal office. Feeling ko, para akong diesel, ang bagal kong mag-adjust. Pero salamat sa mga co-actors ko at kay Direk (Ricky Davao), nakabalik din ako sa role ko na isang bulag.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Marami pa ang mangyayari sa istorya nila, lalo na at parang hawak siya at si Edward (Mikael) ng kasamaan ni William (Marc Abaya) na obsessed sa kanya.

May netizens na ngang nagtatanong kung kailan matatapos ang kasamaan ni William, na sa sobrang obsession kay Grace ay kulang na lang tuluyan nang patayin ang kapatid na si Edward. At helpless naman si Grace dahil hindi rin niya alam ang mga ginagawa ni William, kahit pa doon na siya nakatira sa bahay nina Edward simula nang mawala ito, dahil gusto lamang daw siyang pangalagaan nito habang hindi pa nila nalalaman kung ano ang dahilan ng pagkawala ng kapatid.

Ang Legally Blind ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Ika-6 Na Utos. (NORA CALDERON)