Patay ang dating sundalo na umano’y high-value target drug pusher sa Taguig City makaraang pagbabarilin ng armado sa lungsod, kahapon ng madaling araw.
Dead on the spot si Ronald Alvarez y Urdanilla, 38, ex-Army Corporal, ng Western Bicutan, Taguig City, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Patuloy namang tinutugis ang suspek na kinilala sa alyas na “Alex Mambo” na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril.
Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong 1:15 ng madaling araw nangyari ang insidente sa panulukan ng Tawi-Tawi Street, at Cagayan de Oro St., Quiapo Dos, Maharlika.
Naglalakad si Alvarez sa lugar nang sumulpot ang suspek at makailang beses pinaputukan sa katawan ang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)