SA presscon cum special screening ng movies made for TV ni Direk Brillante Mendoza na ipinalalabas sa TV5, nabanggit niyang muli siyang babalik sa France para sa nalalapit na 70th Annual Cannes Film Festival (sa Mayo 17-28) para sa crime miniseries niyang Amo na ipalalabas sa Kapatid Network.

Inimbitahan si Direk Brillante para sa screening ng Amo na pangungunahan nila Derek Ramsay, Felix Rocco, Allen Dizon at iba pa.

Isa rin sa dahilan kaya dadalo ang direktor ay para makahanap ng magdi-distribute ng obra-maestra niya.

Nabanggit ni Direk Brillante na mayroong malaking production company na interesado sa Amo kaya excited siya para rito. --Reggee Bonoan
Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?