LA PAZ, Tarlac - Patuloy pang sinisiyasat ng pulisya ang kaso ng pananakit sa isang chief tanod, na sinugod ng sapak ng lasing niyang kabarangay habang nagmamando ng trapiko sa Barangay Caut, La Paz, Tarlac, nitong Sabado ng hapon.
Kinumpirma ni PO2 Gilbert Pacis Viernes ang pagkakaaresto kay Augusto Sanchez, 19, may asawa, habang kinilala naman ang biktimang si Marciano Buniag, 61, chief tanod ng Bgy. Caut, La Paz.
Ayon sa report, nagmamando ng trapiko si Buniag nang lapitan ng umano’y lasing na lasing noon na si Sanchez at pinagsasapak sa mukha sa hindi malamang dahilan. - Leandro Alborote