STO. DOMINGO, Nueva Ecija – Kalaboso ang binagsakan ng isang 18-anyos na obrero na most wanted sa Sto. Domingo, Nueva Ecija makaraang malambat ng mga pulis sa Barangay Pulong Buli sa Sto. Domingo, Nueva Ecija, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Sto. Domingo Police ang naaresto na si Joel Domingo y Lorica, construction worker, at taga-Bgy. Hulo.

Dinakip si Domingo sa bisa ng arrest warrant para sa kasong frustrated murder at may inirekomendang P200,000 piyansa sa pansamantala niyang paglaya. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog