Kasalukuyang nakaratay sa ospital ang isang lalaki na pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek habang kumakain ng tanghalian sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Philip Gozon, 36, ng Lakandula Street, Tondo, at agad isinugod sa Mary Johnston Hospital upang malapatan ng lunas.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Arnold Thomas Ibay, hepe ng Manila Police District (MPD)-Station 2, ganap na 1:00 ng hapon ay kumakain ng tanghalin si Gozon nang biglang pumasok ang suspek at siya ay pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang suspek na nakasuot ng helmet.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. - Mary Ann Santiago