FOLLOW-UP sa inilabas naming item hinggil sa hiwalayan nina Charice Pempengco at Alyssa Quijano, may nakausap kaming source na nagkuwento sa amin na ang huli ang nakipaghiwalay sa una.

Hindi raw matanggap ni Alysssa ang hindi pagkakatuloy ng dapat ay concert ni Charice last March 24 dahil sa napakahinang benta ng mga ticket.

Sa pagkakaalam ng source namin, mahigit singkuwenta pirasong tiket lang daw ang naibenta.

Sa laki nga naman ng Kia Theatre, na mahigit dalawang libo katao ang seating capacity, maaaring umabot lamang sa mahigit isandaan ang manonood kung itinuloy.

Netizens nanggigil sa bortang katawan ni Sam Concepcion; tinawag na ‘daddy’

Kaya nga raw kinansela na lang bigla ng producer ang show kaysa naman malugi ng mas malaki.

Siyempre, nalungkot nang husto si Charice at lalo pang nakadagdag sa depression ng singer ang biglaang desisyon ng ka-live-in na makipaghiwalay sa kanya.

Hindi pa alam ng source namin kung ano ang mga susunod na plano, kung meron man, ng Star Music kung saan nakakontrata si Charice Pempengco. - Jimi Escala