Aabot sa 685 truck ang nagamit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paghakot ng basura sa mga estero sa Metro Manila.

Ayon kay Engr. Noel Santos, ng MMDA Flood Control Center, nasa 4,772 cubic meters ang nakolektang basura sa loob ng 45 araw na clean-up drive sa Tripa de Gallina, Libertad Retarding Pond, San Miguel, San Sebastian, Quiapo, Magdalena, Tanigue, Roxas Canal at Maypajo.

Karamihan sa mga nakuhang basura ay plastik, Styrofoam, sirang appliances, sofa set at gulong ng sasakyan.

“Since we started the cleanup on March 1, we have retrieved 4,772 cubic meters of garbage and silt. Styrofoam from fast foods topped the list of collected trash,” ani Santos.

National

Clothing store, nag-sorry sa customer na pinaalis dahil sa stroller ng anak na PWD

Layunin ng programa na maiwasan ang pagbabara sa mga estero at iba pang daluyan ng tubig upang hindi umapaw at magdulot ng baha sa tag-ulan. - Bella Gamotea