SAN CLEMENTE, Tarlac – Sugatan ang dalawang motorcycle rider at ang angkas ng isa sa kanila matapos na magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa Romulo Highway sa Sitio Tapao, Barangay Nagsabaran, San Clemente, Tarlac, nitong Biyernes ng gabi.

Isinugod sa Gilberto Teodoro Memorial Hospital sa Camiling sina Hector Yadao, 37, driver ng Suzuki Skydrive 125 motorcycle, ng Bgy. Anoling 3rd, Camiling; John Paul Pagarigan, 24, driver ng Honda TMX 155 (QD-1009), taga-Bgy. Bobon 1st, Camiling, Tarlac; at Edralin Rosete, 23, angkas ni Pagarigan, ng Bgy. Ambayat 2nd, Bayambang, Pangasinan.

Dakong 10:00 ng gabi at bumibiyahe patungong Camiling si Pagarigan nang biglang nag-U turn ang kasalubong na motorsiklo ni Yadao at nagkabanggaan ang dalawa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog