Nanay Dub, Tatay Dub at Daddy Bae copy

MASAYANG-MASAYA ang AlDub Nation nina Alden Richards at Maine Mendoza nang ganapin ang post-birthday celebration ni Maine na tinawag na “Denims & Diamonds” sa The Tent ng Manila Hotel last Thursday, April 27.  

In-organize ito ng Maine Alliance at sinuportahan ng iba pang fan clubs nina Maine at Alden at ang Titas of Maine ang naging punong abala sa celebration.

Ito na ang pang-apat na birthday celebration ni Maine since her birthday noong March 2.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Mas naging special ang celebration dahil sinuportahan din ito ng family nina Alden at Maine. Naunang dumating si Richard Faulkerson, Sr. o si Daddy Bae at dumating din sina Tatay Teddy at Nanay Mary Ann Mendoza na kilala naman sa tawag na Tatay Dub at Nanay Dub with Maine’s siblings Nikki, Nico, Coleen, at ang son-in-law ng mag-asawa na si John Catalan and their only apo na si Matti.

Magkakasama silang lahat sa isang table kaya naman masayang nagdiwang ang mga ADN sa pagpapa-picture sa kanila.

Nahirapan ang security bago nadala sa stage si Maine dahil lahat ay gustong maunang magpa-picture sa kanya.

Nagkaroon ng games at game na sumali si Daddy Bae sa “Pinoy Henyo” at siya ang sumasagot ng “oo” o “hindi.”

 

May production number din ang Titas of Maine, at sa isang song, hinila na si Daddy Bae na game ding sumayaw. Nang hilahin din si Tatay Dub, isinama niya si Nanay Dub, kaya hayun, dance-dance silang tatlo. Si Daddy Bae, hataw sa sayaw ganoon din si Nanay Dub, na very graceful gumalaw, si Tatay Dub, sandali lamang sumayaw, hindi raw niya masabayan si Daddy Bae.

Pero ang isa sa pinakamagandang bahagi ng event ay nang hingan ng birthday greetings ang tatlo. Ang sabi si Daddy Bae, “Happy birthday Maine, ‘Nak” (kaya nagtilian ang audience) sana, kung ano ang sinimulan ninyo ni Alden, ituloy n’yo lang.” 

Sabi naman ni Tatay Dub: “‘Yan, eh, salamat, Balae (kaya naglundagan na sa tuwa ang fans). Sana, anak, hindi ka magbago.” 

Sabi Nanay Dub: “Salamat, Meng at hindi ka pa rin nagbabago, ingat ka palagi.”

Sa saliw ng theme song ng movie nilang Imagine You & Me, pumasok si Alden at nahirapan na naman ang marshalls na maihatid siya sa stage. 

Nagulat si Maine dahil hindi niya inasahang darating si Alden na alam niyang may taping ng Celebrity Bluff at may Super 8 Mega event with some Kapamilya stars.

Pabirong sabi ni Alden, wala na siyang maibati kay Maine dahil ilang beses na itong nag-celebate ng birthday. Noon naman umakyat sa stage si Matti na agad tumakbo papunta sa Ninong Alden niya. Umakyat din ang parents nila, kaya buong family sila. 

Nang magpasalamat na si Maine, aniya, para na siyang si Bossing Vic na month-long din ang birthday celebration.

Kahapon, April 28, ang birthday ni Bossing. Nagpasalamat siya sa lahat ng nag-organize ng party at sa lahat ng dumalong fans.  

Tulad ni Alden, nag-sorry din siya tungkol sa issue sa kanilang teleserye na Destined To Be Yours pero makaaasa ang fans na tuluy-tuloy pa ang taping nila kaya huwag bibitiw sa panonood gabi-gabi hanggang sa finale night.

Buong puso siyang nagpasalamat sa suporta ng fans sa kanila ni Alden at sa lahat ng projects na ginagawa nila.

(NORA CALDERON)