Dead on the spot ang isang lalaki na sinasabing nanakit at sumaksak guest relation officer (GRO) matapos barilin ng rumespondeng pulis sa isang hotel sa Pasay City, nitong Huwebes ng hapon.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang napatay na suspek na kinilala sa alyas na “Mark,” habang inoobserbahan sa ospital si Jenny Opril na nalamog ang katawan at may dalawang saksak sa likod.

Sugatan din ang rumespondeng pulis na si Police Officer 2 Jay-Ar M. Orada, ng Pasay City Police, na nagtamo ng saksak sa tiyan.

Sa inisyal na ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), bandang 5:44 ng hapon nangyari ang insidente sa loob ng kuwarto sa isang hotel sa panulukan ng Taft Avenue Extension at EDSA, Pasay City.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na nag-check-in ang suspek at si Opril sa hotel at makalipas ang ilang sandali ay bigla na lang umanong pinagsusuntok ni Mark ang biktima at sinaksak ng dalawang beses.

Sa kabila ng tinamong sugat ay nagawang makahingi ng tulong ni Opril sa kaibigan na si “Beverly”, isa ring GRO, na sa oras na iyon ay nasa katabing kuwarto lamang ng hotel.

Agad humingi ng saklolo si Beverly kay PO2 Orada na noo’y nasa lugar at kabilang sa mga ipinakalat na pulis sa pagtiyak ng seguridad gaganaping ASEAN Summit.

Mabilis na rumesponde si PO2 Orada at pagdating sa lugar ay sinalubong siya ng saksak ni Mark dahilan upang paputukan siya ng una na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Narekober sa suspek ang kutsilyo at ilang piraso ng aluminum foil na hinihinalang ginamit sa pagbatak ng droga.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)