Muling inaresto at kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police-Custodial Center (PNP-CC) si Police Supt. Rafael Dumlao, isa sa mga suspek sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo, makaraang katigan ng korte ang inihaing motion ng kanyang abogado.

Ayon kay Senior Supt. Glen Dumlao, director ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), bandang 1:00 ng hapon nitong Miyerkules muling hinainan ng warrant of arrest si Dumlao.

Ayon sa AKG chief, kinatigan ng korte ang inihaing motion ng kampo ni Supt. Dumlao at ipinag-utos ng korte na sa PNP Custodial Center ito ikulong. (Fer Taboy)

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA