SYLVIA copy copy

KAKAIBA rin itong si Sylvia Sanchez, nag-take off na ang eroplanong sinasakyan niya kahapon ng 11:30AM patungong Orlando, Florida, USA ay nagpapalitan pa rin kami ng mensahe. Bumawi yata sa mahigit dalawang linggong hindi namin pagtsitsikahan.

Mag-isang lumipad si Ibyang kahapon para sundan ang anak na si Gela na kasama sa grupong Encienda Poveda Dance Group na Philippine representative sa International Cheer Union Worlds Competition 2017 na gaganapin sa loob ng Universal Studios bukas.

Magkasabay sanang umalis noong Abril 22 ang mag-ina, pero naurong from March 28 to Abril 25 ang 15th Gawad Tanglaw na si Ibyang ay nanalo ng Best Performance by an Actress para sa teleseryeng The Greatest Love.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Bagamat hindi ito ang unang best actress trophy ni Sylvia, ito ang unang serye na siya ang bida sa loob ng 27 years sa showbiz kaya memorable ito sa kanya.

Ang post ni Ibyang sa kanyang Facebook at Instagram account, “15th Gawad Tanglaw, maraming salamat, sa pagkilala sa kakayahan ko bilang artista. #abscbn, maraming salamat sa tiwala na ipagkatiwala sa akin si Gloria. ##gmounit #gmofamily, Ms Ginny Monteagudo Ocampo, PM Mark Gile, EP Marielle Navarro, Direk Mervin Brondial at Direk Paco Santamaria, sa lahat ng cast, staff, crew, creative consultant, adprom, para sa atin ang karangalang ito. Salamat sa inyong lahat, mahal ko kayo, aking GMO unit, mga tunay kong kaibigan, salamat sa suporta lagi at sa mga anak kong #sylvianians at#teamatayde salamat salamat sa suport at pagmamahal n’yo sa akin.

“Og tanan Nasipitnon Salamat kaayo sa inyong pagsuporta sa akoa hangtud karon gihigugma tamo tanan diha.

“Atua ning daug Mama ko’t mga kapatid ko at pamilya ko, salamat sa dasal n’yo lagi para sa akin. Atayde family, salamat sa pagmamahal sa akin, sa mga kasambahay ko na sobra kaming mahalin ng asawa’t mga anak ko, mahal mahal namin kayo.

“Husband Art, salamat lagi sa suporta mo sa akin at sa pag-intindi sa trabaho ko. At sa mga anak ko, Pia, Ria, Arjo, Gela at Xavi, yey, nanalo tayo! Kayo ang inspirasyon ko at sa’yo, Gloria Guerrero Alcantara, ang laki ng binago mo sa buhay ko, maraming salamat sa ‘yo, habang buhay kitang ipagmamalaki, salamat.”

Pumanaw na ang manager niyang si Tita Angge o Cornelia Lee pero hindi pa rin ito nakalimutang pasalamatan ni Ibyang.

“Tita Angge, para sa ’yo din ang panalong ito. Salamat sa walang humpay na pagdadasal mo sa amin d’yan ng pamilya ko.

I love you so much, miss na kita, kung alam mo lang, sobrang miss, ‘Ta A’ at higit sa lahat, PANGINOONG JESUS, salamat po sa lahat ng blessings na binibigay mo sa akin, sa amin ng pamilya ko, binabalik ko po ang papuri sayo, maraming, maraming salamat po.

#thegreatestlove #bestdramaseries#bestperformancebyanactress #family#myeverything #mylife #happiness #grateful#blessed #treasures #thankuLORD.”

Sampung araw lang mananatili si Sylvia sa Amerika dahil kailangan niyang bumalik ng Pilipinas para sa billboard pictorial shoot ng bago niyang endorsement na matagal na niyang pangarap.

Yes, Bossing DMB, naglalakihang billboard ang babandera sa major highways sa Metro Manila kaya sobrang excited si Ibyang. (Reggee Bonoan)