SYDNEY (AFP) – Mabisang pamatayang ang suka sa crown-of-thorns starfish na kumakain ng mga ipinahayag ng mga scientist nitong Martes. Naniniwala silang nagbibigay ito ng pag-asa sa Great Barrier Reef ng Australia, na dalawang taon nang nakararanas ng mass coral bleaching.
Sa mga pagsubok ng James Cook University, katuwang ang Great Barrier Reef Marine Park Authority (GBRMPA), nakita na ang suka ay ligtas, epektibo at mura laban sa predatory starfish.
Sinabi ng research head na si Lisa Bostrom-Einarsson na tinurukan nila ang crown-of-thorns ng suka apat na beses sa loob ng anim na linggo, at namatay ang mga ito sa loob lamang ng 48 oras nang walang epekto sa iba pang nilalang sa ilalim ng dagat.