BEAUTY AT BIANCA copy

MAINIT na tinanggap ng mga manonood ang pag-uumpisa ng kuwento ng pagkakaibigan nina Marga (Bianca King) at Tessa (Beauty Gonzalez) sa Pusong Ligaw, ang pinakabagong serye sa hapon ng ABS-CBN.

Base sa survey data ng Kantar Media, nakapagtala ang pilot episode ng programa nitong nakaraang Lunes ng national TV rating na 18.2 % at tinalo ang katapat nitong programa na Legally Blind na nakakuha naman ng 11.5%.

Patok din ito sa netizens at umani ng maraming papuri online kaya trending sa Twitter ang official hashtag ng programa na #PusongLigawGrandPremiere.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sinusubaybayan ngayong linggo kung paano mahahadlangan ni Caloy (Joem Bascon) ang pagiging magkaibigan nina Marga at Tessa. Malapit na ring makilala ang mga karakter na gagampanan nina Sofia Andres, Diego Loyzaga at Enzo Pineda kaya inaabangan na sila ng kanilang mga tagahanga.

Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWanTV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @starcreatives sa Facebook, Twitter, at Instagram.