JULIAN AT ELLA copy copy

FRANCIS Magundayao out, Julian Trono in bilang bagong dance partner ni Ella Cruz.

Si Francis ang parating dance partner ni Ella sa mga ipino-post niyang latest dance moves sa YouTube pero abala ang young actor sa pag-aaral kaya nawawala sa sirkulasyon.

Lumipat ang dating GMA-7 artist na si Julian sa pangangalaga ni Veronique del Rosario kaya kasama na siya ng ibang Viva talents.

Trending

'Ihi lang daw?' Post ng nanay na may nakita raw semilya sa ari ng anak, ikinaalarma

Sina Julian at Ella ang latest love team na pasisikatin ng Viva na tatawaging JulianElla at may launching movie na silang Fanboy/Fangirl. Isang baguhang artista ang role ni Julian at koreanovela dubber naman si Ella kaya naging Fanboy/Fangirl ang titulo.

Kumakanta’t sumasayaw at umaarte si Julian kaya puwedeng-puwedeng siyang sumikat.

“Nag-compliment po kasi ‘yung tatlo, acting singing and dancing,” sabi ng bagong Viva artist nang mainterbyu namin pagkatapos ng Q and A sa press launch ng tandem nila. “Dancing brought me wherever I am now, ‘yung singing kasi nag-grow na lang kasi from singing to dancing, puwedeng sayawin mo rin ‘yung kanta mo, di ba? ‘Yung acting kasi, film student ako, so nagco-compliment po sa lahat ng gawin ko. Acting lang po ‘yung medyo hindi ko pa nawo-work out masyado.”

Third year na sa Meridian International College si Julian, na nangangarap ding maging direktor.

“’Yun po talaga ang direction ko, personally. When I took up film, sabi ko, I want to write stories, I want to direct, kasi po I do write stories. Actually, from the very start, I shoot the dance videos, ako talaga gumagawa.

Gusto ko lang po ng larger scale, sana hopefully with Viva, ma-work ko ‘yung mga stories. Hindi pa naman po ngayon, ‘pag natapos ko na ‘yung studies ko, mabigyan na ng boses ‘yung mga ginagawa ko.”

Umingay ang pangalan ni Julian Trono dahil sa K-Pop ng GMA-7 at nagpunta pa siya sa Korea para mag-guest sa isang variety show.

“It was successful naman po after a year of training here for the Koreans ‘tapos lumipad kami sa Korea nu’ng February 2015. Went there and nag-perform ako sa parang ASAP show nila then went back here in the Philippines para i-promote ‘yung single.

“I don’t know what happened na kasi parang nagkaroon ng miscommunication with the management (ng GMA) sa Koreans, hindi ko po alam. Siguro hindi na natin kailangang i-discuss kasi hindi ko rin po alam masyado ‘yung details so hindi na natuloy.

“It was successful naman po dito kasi nagkaroon naman kami ng tour dito sa Philippines, but after that ‘yung music nag-subside na and then I went back to soap (opera),” paliwanag ng binata.

Hindi itinanggi ni Julian na medyo na-frustrate siya.

“Nandoon po nu’ng time na ‘yun. But hindi naman sa akin ‘yung blame. With due respect to everyone involved, nagkaroon lang po ng mga problema, unfortunate events, kung baga walang dapat sisihin. So, sa akin po, sa part ko, I think, I did my part so hindi pa ‘yun ‘yung time ko.”

Dagdag pa niya, “And I think, this could be the time now. Siguro meant na rin ni Lord na hindi muna maging successful ‘yun kasi nandito na ako sa Viva, ganu’n na lang po, positive na lang. But naging hopeful ako na magkaroon ng international career, but expectations, wala akong ganu’n kasi I don’t expect too much. I take it by the day.”

Samantala, nagulat si Julian nang magkomento ang reporters na kaboses niya si James Reid.

“Parehas po kasi kami ng in-house songwriter, ‘yun kasi ang sound nila. Well, I take it as a compliment kasi iba rin ‘yung artistry ni James, singing talaga ang passion niya.

“Ang kaibahan lang sa akin, I’m more into dancing and ngayon na lang ‘yung singing. Siguro ‘yun lang po muna, dahil pareho kami ng (songwriter). ‘Yung next single ko that were working out, I’m trying a different path to keep more sound like me na talagang sige I took the risk na rin na hanap ng ibang sound. (I’ll) Introduce a new sound, kasi ‘yung P-Pop generation namin na show, pino-promote namin ‘yung OPM, I think, that will be a good venue to showcase a new music and a new sound,” paliwanag ni Julian.

Samantala, kung sa May 1 na ang first shooting day ng launching movie nila ni Ella na Fanboy/Fangirl, ipinag-produce naman ng Viva ng CD album ang JulianElla love team.

“We’re so blessed with all these opportunities. Sunud-sunod ang mga project. We’re super thankful to Viva,” saad ng aktor.

“Nakaka-tense din. Big challenge for me and Julian to prove ourselves,” say naman ni Ella.

Umabot na sa dalawang milyon ang followers ni Ella sa social media at may 6 million views na ang dance video niyang Work It.

May 4 million views naman ang FettyDanceCraze video ni Julian at nagtala naman ng 3 million views ang video ng unang pagsasama nila ni Ella na Versace on the Floor. (Reggee Bonoan)