ANTIQUE – Nanatiling malinis ang marka ng Soccsksargen at Caraga sa secondary boys basketball tournament ng Palarong Pambansa nitong Lunes sa San Jose De Buenavista dito.

Naungusan ng Soccksargen ang Mimaropa, 73-72, para sa ikatlong sunod na panalo, habang ginapi ng Caraga ang Region 1, 69-62, para manatiling imakulada matapos ang tatlong laro.

Nasungkit naman ng last year’s runner-up Central Luzon ang 69-62 panalo kontra Central Visayas sa pagsisimula ng kanilang kampanya.

Nanaig naman ang Davao Region sa Western Visayas, 83-68, habang tinalo ng Zamboanga Peninsula ang Eastern Visayas, 68-63. At namayani ang Bicol Region sa Northern Mindanao, 74-61. - Marivic Awitan

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA