SA ikalawang pagkakataon, nakamit ni LA Tenorio ang Accel-PBA Press Corps Player of Week ngayong 2017 PBA Commissioners Cup kasunod ng ipinakitang kahanga-hangang performance para sa Barangay Ginebra.

Pinangunahan ng Ginebra top playmaker ang naitalang four-game winning roll na kinabibilangan ng 101-92 paggapi sa NLEX Road Warriors noong Miyerkules at pagpapadapa sa powerhouse Talk N Text, 101-82 noong nakaraang Linggo.

Nagtala si Tenorio ng average na 17 puntos, 5.5 assist, 2.5 rebound at 2.0 steal sa nasabing dalawang panalo ng Kings upang maungusan para sa lingguhang citation sina San Miguel Beer guards Alex Cabagnot at Marcio Lassiter, Ginebra teammate Japeth Aguilar, Phoenix veteran guards Cyrus Baguio at RJ Jazul, Star combo guard Paul Lee, TNT ace playmaker Jayson Castro at GlobalPort Fil-American guard Stanley Pringle.

Naging maganda ang tambalan ng 32-anyos na si Tenorio at import na si Justin Brownlee sa kanilang isinalansang 42-puntos na third-quarter scoring rampage upang tulungan ang Ginebra na gawing one-sided affair ang laban kontra NLEX.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tumapos si Tenorio na may 13 puntos, limang assist, tatlong steal at dalawang rebound.

Laban sa Katropa, nagsalansan ang dating Gilas star ng 21 puntos, anim na assist, tatlong rebound at isang steal sa loob ng 33 minuto sa loob ng court. (Marivic Awitan)