PASUQUIN, Ilocos Norte – Isang negosyante na sinasabing drug surrenderer ang napatay matapos siyang pagbabarilin sa Pasuquin Municipal Plaza.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang bumaril kay Alvin Aguinaldo, 36, residente ng Barangay #1 Poblacion maghahatinggabi ng Linggo.

Nakaupo umano si Aguinaldo sa isang bangko sa plaza nang paulanan siya ng bala ng mga taong nakasakay sa motorsiklo.

Nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan ang biktima. (Liezle Basa Inigo)
Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga