Inilunsad kahapon ng Department of Health (DoH) ang “BackToBakuna” campaign upang hikayatin ang mga magulang na kumpletuhin ang mga bakuna ng kanilang mga anak at maproteksiyunan sila laban sa iba’t ibang karamdaman.

Ang programa ay pakikiisa ng DoH sa pagdiriwang ng World Immunization Week simula Abril 24 hanggang 30, 2017. Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay, “Vaccination is everyone’s job: Protect our children, protect our communities.”

Hinihikayat ni Health Secretary Jean Paulyn Ubial ang komunidad na bumalik sa mga pasilidad ng kalusugan upang makumpleto ang bakuna ng mga sanggol. Ito ay libre, diin niya.

Naglunsad din ang DoH ng mga video sa YouTube ng ‘Bakuna Boys’ na umaawit para kumbinsihen ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. (Mary Ann Santiago)

'Sexy pero classy!' Janine Gutierrez, calendar girl na rin