Tuluyang namahinga ang isang tindero ng sigarilyo nang aksidenteng mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) habang nagpapahinga sa gilid ng riles sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Sta. Ana Hospital ngunit nasawi rin si Romeo Loria, 55, ng 2614B Jesus Street, Pandacan, dahil sa dami ng dugong nawala sa kanyang katawan.

Sa ulat ni SPO2 Bert Francisco ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit, dakong 7:30 ng gabi nangyari ang aksidente sa riles sa Pandacan Station ng PNR, sa kanto ng Tomas Claudio St., Pandacan.

Base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera sa lugar, nakaupo ang biktima sa gilid ng riles at nagpapahinga nang dumating ang isang locomotive train ng PNR.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Hindi agad nakaalis ang biktima kaya nahagip siya ng tren na naging sanhi ng pagkamatay. (Mary Ann Santiago)