volleyball copy

WALA pa ang Ateneo, ngunit pasok na ang La Salle.

Nagpatuloy ang mayamang tradisyon ng La Salle nang gapiin ang archrival na University of Santo Tomas sa straight set para makausad sa championship match ng UAAP women’s volleyball championship.

Itinarak ng Lady Spikersang 25-14, 25-20, 24-26, 25-13 panalo nitong Sabado sa Araneta Colieum.

Human-Interest

'Heat wave' nanguna sa 2024 top Google search ng mga Pinoy!

“Isa nga yan sa mga kinatatakutan kong team, UST,” sambit ni coach Ramil de Jeus.

Kumubra ang Tigresses ng 28 excellent reception.

“Kasi ang nakakatakot sa UST, kahit walang receive, andyan ‘yung dalawang outside hitter nila, talagang pupuntos,” aniya.

Ikinasiya naman ni UST coach Kungfu Reyes ang matikas na kampanya ng Tigresses.

“Ang problema hindi lang sila ang tao. Anim na tao ‘yan eh. Hindi naman lagi din, pag inangatan mo ng bola, papaluin at papaluin,” aniya,

Nadomina ng La Salle ang UST sa scoring department - attacks (48-38), blocks (17-8) ar service aces (11-1).

Makakaharap ng La Salle sa Finals ang magwawagi sa duwelo ang Ateneo Lady Eagles at No. 4 Far Eastern University Lady Tamaraws.