Ipinag-utos ng Angeles Regional Trial Court ang pagpapalaya sa isa sa mga akusado sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick-Joo.

Ito ay matapos maghain ng amended information ng Department of Justice (DoJ) na inaalis si Ramon Yalung bilang akusado sa nabanggit na kaso.

Ayon sa DoJ, matapos ang reinvestigation, hindi idinamay nina SPO4 Roy Villegas, SPO3 Ricky Sta. Isabel at Jerry Omlang si Yalung bilang kasabwat sa pagdukot at pagpatay kay Joo.

Dahil dito, inabsuwelto ng DoJ si Yalung na inaprubahan ng mababang hukuman. (Beth Camia0
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM