ALDEN AT MAINE copy

NAGKAMABUTIHAN, nag-away, nagkabati, at nagkasundo nang muli sina Alden Richards as Benjie at Maine Mendoza as Sinag sa kanilang teleseryeng Destined To Be Yours.

Pinaiyak nina Benjie at Sinag ang sumusubaybay na AlDub Nation sa kanilang soap sa eksenang nasa ocular inspection sila para sa out-of-town outing ng radio station na si Sinag ay si DJ Sunshine. Last minute assignment ni Trish (Thea Tolentino) na boss ni Sinag kay Sunshine na siya ang sumama sa boyfriend nitong si Benjie para sa ocular inspection. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Hindi alam ni Trish na ang hinahanap niyang dating girlfriend ni Benjie na si Sinag ay si Sunshine din.

Walang nagawa si Sinag kundi sumunod sa utos ni Trish kahit ayaw na niyang mapalapit kay Benjie. Pero inabutan ng kamalasan ang biyahe nang masira ang kotse nila, umulan pa at parehong nawalan ng charge ang battery ng cellphone.

Siyempre pa, galit na galit si Sinag kay Benjie na inakusahan niyang may dalang malas sa buhay niya. 

Walang nagawa ang dalawa kundi maghanap ng makatutulong sa kanila at nakakita sila ng kubo sa gitna ng pineapple plantation, pero wala silang mahiram na cellphone para makahingi ng tulong. Ending, doon na sila pinakain ng may-ari ng kubo at ilang matatanda naman ang nagbigay ng pineapple juice daw pero lambanog pala.

Nang malasing, pinatuloy sila sa kubo ng may-ari at sa gitna ng kalasingan ay umiiyak na naibulalas ni Sinang ang totoong nilalaman ng kanyang puso. Iyong hindi pagkatuloy ng kanilang relasyon noong nasa Pelangi pa sila.

“Nang dumating ka sa buhay ko, grabe ang ginawa mo sa akin, alam mo hindi mo lamang ako basta pinatay, tinurtyur mo pa ako, pinaasa mo ako. Benjie, bakit sa dinami-dami ng tao, ako pa ang niloko mo, bakit? Minahal naman kita. Sina Tatay, Nanay, si Sol, si Tala, mahal ka rin nila. Sasagutin na sana kita, oo, sasagutin na kita.”

Naiiyak na rin si Benjie na noon lamang nalaman na mahal din naman pala siya ni Sinag at ipinagtapat din niya na binalikan niya ito at humingi siya ng tawad on-air sa radio station nila sa Pelangi, pero hindi iyon narinig ni Sinag dahil umalis na sila sa kanilang lugar, hanggang sa tuluyan na silang nagkalayo.

Kinabukasan, nakakuha na ng tulong si Benjie kaya naayos na ang kotse at pagkatapos ng ocular inspection sa beach na gagamitin sa outing, bumalik na ang kanilang pagkakaibigan. Humingi ng peace si Benjie at sealed ito ng peace sign din ni Sinag. 

Sa nangyari, kaya pa ba nina Benjie at Sinag na kalimutan ang magaganda nilang pagsasama noon sa Pelangi?

Ayon sa produksiyon, mas magaganda pa ang eksenang magaganap sa Destined To Be Yours dahil malalaman na ni Trish na sina Sinag at Sunshine pala ay iisa. Kaabang-abang kung ano ang gagawin ni Benjie, ipaglalaban pa ba niya si Sinag na siya naman niyang totoong mahal?

Napapanood ang Destined To Be Yours gabi-gabi pagkatapos ng Encantadia. (NORA CALDERON)