Naghain ng kasong tax evasion ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa anim na negosyante at isang nagbebenta ng lupa matapos umanong balewalain ang mga collection notice na ipinadala sa kanila upang mabayaran ang mga delinquent account na mahigit P640 milyon.

Kinilala ni Manila Revenue Regional Director Arnel Guballa ang mga kinasuhan na sina Arturo Zapata at Jacob Valeriano, president at treasurer, ayon sa pagkakasunod, ng Cross Country and Petroleum sa Juan Luna, Binondo; Dolores Galicia at Grace Sucksuphan, president at treasurer ng Robiegie Corporation sa Alvarez St., Sta. Cruz; at Arnel Hibo at Marillu Castillo, president at treasurer ng St. Augustine School of Nursing sa Adelina St., Sampaloc.

Gayundin, inaakusahan ng pandaraya sa buwis si Mark Dionson Batuigas ng Doroteo Jose, Sta Cruz dahil sa pagbebenta umano ng lupa sa Sta. Cruz district nang hindi nagbabayad ng required capital gains at documentary stamp taxes. (Jun Ramirez)

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente