Jessie copy

PARA kay Jessie J, ang pag-eehersisyo ay paraan upang pumayat at mas lumakas – na mahalaga para sa pag-aalaga niya ng kanyang kondisyon sa puso. 

Namana ng mang-aawit, 29, sa kanyang ama ang Wolff-Parkinson-White disease – kondisiyon na nangangahulugan na mayroon siyang sobrang electrical pathway sa kanyang puso na nagiging sanhi ng kanyang mahirap na paghinga at pagkahilo.

 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang mala-alamat na kuwento ng Bulkang Kanlaon

 “It doesn’t go away, sadly. It’s just something that I’ve had to deal with since I was a child, and it pushed me to get stronger. It’s just part of who I am,” saad sa People ni Jessie J, na nagsisilbing spokesperson para sa Propel Electrolyte Water.

Ngunit matapos sumailalim sa mga operasyon noong bata siya, hindi na siya nag-aalala na makaranas ng burn out sa kanyang mga konsiyerto o kapag nag-eehersisyo -- dahil natutuhan na niyang i-monitor ang kanyang katawan. 

“I do have to make sure I stay healthy and look after myself,” ani Jessie J. “I kind of love that I have something that pushes me to be healthier.”

Pinasalamatan niya ang kanyang mga magulang sa kanyang positibong pananaw sa kanyang kondisyon. 

“I credit that to my mum and dad. Because even when I was in hospital as a kid and I was having operations, and I was let out of hospital to go to school rehearsals for plays and I would go back in at night, but they never let it define me, or make me feel different,” aniya. “They always told me to use it as a strength and I know that I inspire anyone who has an illness or feels trapped.”

Sa ngayon, bilang bahagi ng kanyang pakikipagtulungan sa Propel, hinihimok ng Domino singer ang mga tao para mag-ehersisyo nang “ugly” at huwag alalahanin ang kanilang magiging itsura habang nasa gym. 

“I just wanted to recreate the way people see the word ugly,” saad ng singer. “For me it’s like, don’t care, stop judging yourself, get on with it, get sweaty, get fit. Who cares what you look like? Don’t wear makeup; your hair’s going to be a mess. Just do it.”

Habang nag-e-enjoy si Jessie J sa paggamit ng social media, naniniwala siya na nagtutungo ito sa pagkakaroon ng hindi makatotohanang naisin. 

“People say that you’re too skinny, or you’re too fat. You’re never enough,” aniya. “I think it’s so fickle and silly. I’m comfortable in my own skin, so I try to inspire people who aren’t there yet to get there.”

Sa kabuuan, nakatuon ang atensiyon ni Jessie J sa pagiging “be good to myself” – habang lagi niyang nasa isip ang kanyang kondisyon sa puso. 

“I go out with nice boys who don’t break my heart,” ani Jessie J. “Cause it’s sore already.” (People.com)