NAG-POST si Marian Rivera sa kanyang bagong Instagram account (floravidabymarian) ng iba’t iba flower arrangement na inorder sa kanya at ginawa niya bago sumapit ang Holy Week.

Ang gaganda ng flower arrangement na bawat isa ay may pangalan tulad ng Cadiz, Malaga, Violeta, Rosa, Madrid, Seville, Lanzarote, Xativa, at Zaragoza (na kung hindi kami nagkakamali, ito ang iniregalo ng boyfriend ni Ai Ai delas Alas na si Gerald nang mag-propose ng kasal sa Comedy Queen), Ibiza, Salamanca, Segovia, Nicolai, Turquesa, Dulces Suenos.

Hindi ipinaliwanag ni Marian kung paano niya binigyan ng pangalan ang bawat arrangement na ginawa niya.

Umaani ng napakaraming likes ang bawat picture ng flower arrangement niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

May announcement si Marian na “all orders received on April 28 will be available for pick-up on April 29 in our office. We will resume acceptance of orders on May 17. Please email [email protected] for your inquiries. Gracias por todos.”

Worth it naman daw ang presyo ng flower arrangements na oorderin dahil sa napakatagal na shelf life nito. Si Marian mismo ang gagawa ng flower arrangement, kaya sabi nga, may loving, tender touch niya ang bawat gawin niya.

Naka-ready si Marian sa bago niyang business kahit magsisimula na rin siyang mapanood sa Tadhana, ang drama anthology na tungkol sa buhay ng ating OFWs na maghahatid ng inspirasyon sa mga manonood.

Weekly show ito at ilang beses nang nakapag-taping si Marian.

Susundan na niya ito ng taping nila ng asawang si Dingdong Dantes para saEncantadia bago siya tuluyang magsimulang mag-taping ng sarili niyang teleserye sa GMA-7. (Nora Calderon)