STA. ROSA, Nueva Ecija - Tatlong lalaking stay-in helper sa isang ricemill ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Dangerous Enforcement Unit (DEU) ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 matapos maaktuhan sa pot session sa tabi ng kanilang barracks sa Barangay Lourdes sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng Sta. Rosa Police, dakong 1:55 ng hapon nang ikasa ang anti-illegal drugs operation sa ricemill ni Benedicto dela Cruz, at naaresto sina Jimmy Magellan y Laseb, 47, tubong Matanao, Davao Del Sur; Jun-Jun Arsenal y Barrico, 34, tubong Leyte; at Junry Daguyo y Anselmo, 33, tubong Valencia City, Bukidnon, na pawang helper sa ricemill.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

(Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito