July 23, 2026

Home BALITA Probinsya

Lalaking sinakal matapos makasagi sa sayawan, gumanti ng saksak; 2 sugatan!

Lalaking sinakal matapos makasagi sa sayawan, gumanti ng saksak; 2 sugatan!

Sugatan ang dalawang magkapatid matapos silang masaksak ng isang lalaki kasunod ng alitan sa isang sayawan sa lungsod ng Ozamiz,.

Batay sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang insidente nang aksidenteng magkasagian ang suspek at isa sa mga biktima habang nagsasayaw. 

Lumala umano ang tensyon nang masangkot ang kapatid ng biktima sa komprontasyon, na kalauna’y nauwi sa pananaksak.

Sa kumalat na video sa social media, makikitang duguan ang isa sa mga biktima at may nakabaon pang patalim sa kaniyang likod matapos ang insidente. Ang isa naman niyang kapatid ay nagtamo ng tatlong saksak sa katawan. 

Agad na nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin ang buong pangyayari at makakuha ng mga salaysay mula sa mga sangkot at mga testigo.

Probinsya

Lalaking umiihi sa gilid, naipit sa pagitan ng 2 container van!

Hindi nagtagal ay naisuko rin ang suspek sa mga pulis matapos siyang ihatid ng kaniyang mga magulang sa mga awtoridad.

Sa pinakahuling ulat, nasa mabuti nang kalagayan ang dalawang magkapatid at patuloy na nagpapagaling mula sa mga tinamong sugat. 

Wala pang inilalabas na pahayag ang magkabilang panig habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.