J.Lo at Alex kasama ang mga tinulungan nilang mga bata copy

MAGKASAMANG nagkawanggawa sina Jennifer Lopez at Alex Rodriguez sa Dominican Republic.

Bumisita ang magkasintahan sa MIR Foundation nitong Lunes nang magtungo sila sa Dominican Republic, at namahagi ng mga backpack, notebook, at colored pencil sa lahat ng estudyante ng MIR Elementary School. 

Blooming si J.Lo, 47, sa kanyang Hawaiian-print cape dress at nude heels, habang nakikipag-bonding sa mga bata. 

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Nasa Dominican Republic si A-Rod ngayong weekend para sa sold-out show ng dating asawa ni J.Lo na si Marc Anthony sa Altos de Chavon Amphitheater sa Casa de Campo Resort and Villas nitong nakaraang Sabado ng gabi, ang unang konsiyerto niya sa Dominican Republic. Sa after-party, nagpakitang-gilas sa dance floor ang magkasintahan, at nakisayaw din sa kanila si Anthony.

Mukhang mas makahulugan ang trip na ito para sa 41-anyos na si Rodriguez na isang Dominican-American. (ET Online)