Kinumpirma kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pamumugot ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isa sa mga bihag nito sa Sulu nitong Huwebes Santo.

Kinilala ni Army Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu ng AFP, ang pinugutan na si Noel Besconde, nasa 40-45 taong gulang.

Ayon kay Sobejana, bahagi si Besconde ng mga tripulante ng bangkang pangisda na FB Remona na hinarang ng mga bandido sa Celebes Sea, sa tri-boundary ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas noong Disyembre 2016.

Sinabi ni Sobejana na batay sa mga report na kanyang natanggap, pinugutan si Besconde ng grupo ni Hatib Hadjan Sawadjaan sa Patikul, Sulu, bandang 2:30 ng hapon nitong Huwebes.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

“Yes, it is confirmed already. Actually, we already monitored the incident last April 13 but we did not confirm it immediately until such time that we got a video and we continue to search the western side of Patikul,” ani Sobejana.

“Unlike with the beheading of (Jurgen Gustav) Kantner in Indanan, Sulu, the beheading of the victim (Besconde) was done hastily,” sabi ni Sobejana tungkol sa kanyang obserbasyon sa napanood na video, sinabing dati ay may mga mistulang ritwal pa ang Abu Sayyaf bago pugutan ang bihag, pero parang minadali ang pamumugot sa huling biktima.

Dagdag pa ni Sobejana, nakatanggap sila ng impormasyon na nagpasya ang ASG na pugutan si Besconde dahil naging masasakitin ito, bukod pa sa bigong mabayaran ng pamilya nito ang P3 milyon ransom na hinihingi ng mga terorista.

“When we checked the victim was already sickly and considering that they are on the move, they are getting delayed by him,” ani Sobejana. “Tapos siguro napag-isipan nila na pag tinawagan nila ‘yung pamilya and they will demand for money, they hope na they will get money. Pero siyempre mahirap lang din ‘yung tao and of course pinapairal namin dito ‘yung no ransom policy.” (FRANCIS T. WAKEFIELD)