MAGAGANDA ang comment sa ipinost ni Paolo Ballesteros sa Instagram (IG) na picture ng dalawang kamay na magka-holding hands, may suot na singsing at may nakasulat na, “And I love you.”
Kamay daw ‘yun ni Paolo at ng BF nito na nagsi-celebrate ng second anniversary dahil sa caption ni Paolo na “2nd” at ang date ay 2.14.17. Tila member ng isang dance group ang guy.
May mga na-disappoint dahil akala’y magkakabalikan sina Paolo at ang mother ng anak niyang si Keira. May brokenhearted din dahil crush daw nila si Paolo, later on, inintindi nila ito. Ang sabi na lang, sana ‘wag siyang lokohin.
Ang kasunod kaya nito ay ang pag-a-out na ni Paolo? Sabagay, ang pagpo-post niya ng picture nila ng guy na may suot na parehong rings ay patunay na ang-out na nga siya. (Nitz Miralles)