Nina at Orlando copy copy

MUKHANG more than friends na ang namamagitan kina Nina Dobrev at Orlando Bloom.

Inihayag ng isang source sa People na may namumuong romansa sa dalawang parehong single.

“They’ve known each other for a while. Recently they’ve been hanging out as more than friends. It’s super casual,” saad ng source. Gayunman, dinagdag ng source na namataan si Bloom na dumalo sa Coachella party nitong nakaraang Biyernes na hindi si Dobrev ang kasama kundi ibang babae.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nasa festival din ang The Vampire Diaries star at parehong dumalo ang dalawa sa Neon Carnival noong Sabado. Sinabi ng source sa People na “all over” si Bloom sa modelong si Ashley Haas habang nag-party naman si Dobrev na abot-tanaw lang ang distansiya. Bagamat inilahad ng source na hindi ito palatandaan na walang respeto si Bloom kay Dobrev kundi very casual lang ang namamagitan sa dalawa.

Inulit ng isang source na ang dalawa ay “not exclusive” at si Bloom “doesn’t want a girlfriend and enjoys being single.”

“Orlando is doing great,” saad ng source sa People “He is dating and having a good time. He has known Nina for a long time. They are having fun together.”

Nagbahagi ang Pirates of the Caribbean star tungkol sa kanilang hiwalayan ni Katy Perry, na dumalo rin sa Coachella nitong nakaraang Linggo, sa May issue ng Elle UK, at sinabi na nananatili silang magkaibigan.

“We’re friends, it’s good,” ani Bloom, 40. “We’re all grown up. She happens to be someone who is very visible, but I don’t think anybody cares about what I’m up to. Nor should they. It’s between us. It’s better to set an example for kids and show that [breakups] don’t have to be about hate.”

Palakaibigan din si Dobrev, 28, sa kanyang dating mga nakarelasyon, nakipag-dinner siya dati kay Ian Somerhalder kasama ang asawa nitong si Nikki Reed, nitong Pebrero. Ilang taon niyang naging kasintahan si Ian at naghiwalay sila noong 2013.

Wala pang pahayag sina Dobrev at Bloom tungkol sa isyu. (People.com)