KAISA ako sa pagdadalamhati ng ating mga kababayan sa pagkasawi ng apat sa magigiting nating sundalo at pulis na nakipagbakbakan sa mga teroristang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Barangay Napo, Inabanga, Bohol habang ginugunita sa buong kapuluan ang Semana Santa.

Saludo ako sa kagitingin nila – tatlong sundalo at isang pulis – isinakripisyo ang kanilang buhay upang ‘di makapaghasik ng lagim ang mga teroristang nagmula pa sa Mindanao ngunit kataka-takang nakapasok sa Gitnang Kabisayaan, sakay sa mga bangkang ‘di man lamang na-monitor ng ating tutulug-tulog na mga “intel operative” na naunahan pang makapagsumbong ng ilang taga-barangay.

Nakapanghihinayang na mga buhay, idagdag pa natin ang nasawing mag-asawa na halos baluktot na ang katawan sa katandaan, ngunit iginiit pa rin ng ilang opisyal ng militar na terorista dahil hindi umano sila umalis sa lugar kung saan nagkaroon ng labanan. Siyam ang nasawi sa naturang sagupaan – 3 militar, 1 pulis, at 5 ASG na pinamumunuan ni “Abu Rami” na mas kilala bilang tagapagsalita ng teroristang grupo.

Mga nakapanghihinayang na kagamitan ng militar at pulis— gaya ng 9 na bomba at mga balang pinakawalan sa labanan, gasolinang ginamit sa mga sasakyan, mga napinsalang bahay at pananim sa lugar – na kung susumahin ay aabot sa milyun-milyong piso ang halaga– kapalit lamang ng apat na mga positibong bangkay ng mga teroristang ASG na armado ng tatlong M-16 Armalite rifle at isang M4 Carbine.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kung ‘di sana “natutulog sa pansitan” ang ating mga intel operative - sa gitna pa lamang ng laot patungo sa isla ng Bohol, dapat ay naratrat na ang mga teroristang ito para hindi na nakadaong sa aplaya at naiwasan ang bakbakang naging sanhi nang paglikas ng 1,200 na residente ng Bgy. Napo, Calenti at Banahao.

Mantakin ninyo, kung ang United States at ang Australia, sinundan pa ng ibang mga bansa, ay nakatunog agad na may mga teroristang nakapasok sa Gitnang Kabisayaan – ANYARE sa ating mga intel operative, binabangungot sa pagkakatulog?

Ang nakapagtataka rito, ang mga banyagang intel operative ay sa mga “action agent” (ang tawag sa mga nagbibigay ng info), na siya ring kinukunan natin ng mga intel info, kumukuha ng impormasyon. At ang mga “handler” ng mga action agent na ito ay ang matitinik na intel operative natin siya rin mismong nag-develop sa mga action agent upang maging epektibo sa kanilang trabaho.

Dito ko hindi talaga mapaniwalaang mauunahan tayo sa intel info ng mga banyaga sa ganitong mga bagay – ito ay maliban na lamang kung ang... pondong nakalaan para sa intel operation ay hindi nakararating sa mga handler at nada-divert sa bulsa ng iilang opisyal. Reklamo kasi ng ilang intel operative natin, madalas daw ay abonado na sila para lang ma-maintain ‘yung mga na-develop nilang action agent na pinagkukunan nila ng mga intelligence information na napakahalaga naman sa mga operasyon ng militar at mga pulis.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)