Jen at Ben copy

HINDI naging hadlang ang pinoprosesong diborsiyo nina Ben Affleck at Jennifer Garner upang mabuo ang kanilang pamilya. Dumalo ang dating mag-asawa kasama ang kanilang mga anak sa Easter church service nitong Linggo

Namataan ang dalawa na nag-uusap at nagngingitian sa paglisan nila ng simbahan nitong Linggo ng umaga sa Los Angeles – ito ang unang pagkakataon na namataan silang magkasama matapos magsampa si Garner, 44, ng diborsiyo nitong nakaraang Huwebes. Nagsumite rin ng tugon ang Batman actor ng kaparehong araw, na nagpapakita na napag-usapan nilang maayos ang tungkol dito.

Parehong naghahangad ang dating mag-asawa, na kasal sa loob ng 10 taon at inanunsiyo ang hiwalayan noong Hunyo 2015, ng joint legal at physical custody para sa kanilang tatlong anak - na sina Violet, 11; Seraphina, 8; at Samuel, 5 – at patuloy pang pinag-uusapan ang tungkol sa financial settlement.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakatira ang Argo director, 44, sa guesthouse sa ari-arian nila sa Pacific Palisades, California simula nang ianunsiyo nila ang kanilang hiwalayan dalawang taon na ang nakalipas, ngunit sa balita rati ng Us Weekly, handa na itong lumipat at tumira sa sarili nitong bahay

“Ben will move out and is looking for a property close by so they can continue to coparent as they have been,” saad ng source na malapit sa Academy Award-winner sa Us on nitong nakaraang Biyernes. “He will move out when he finds the right place.”

Pumutok ang balita ng pagsasampa ng diborsiyo wala pang isang buwan makaraang aminin ni Affleck sa kanyang Facebook post na sumailalim siya sa rehab para sa kanyang alcohol addiction.

Dagdag pa ng source na “doing great” si Affleck makaraang matapos niya ang pagpapagamot. “Ben is continuing to work on himself,” ani source sa Us. “He’s in a great, healthy place.” (Us Weekly)