Patay ang isang babaeng pasahero habang 23 iba pa ang nasugatan sa karambola ng isang kotse at dalawang jeep sa Ortigas Avenue, Pasig City, nitong Huwebes ng hapon.

Base sa police report, sa ganap na 3:45 ng hapon, sa kahabaan ng Ortigas Avenue corner Lunaza Street, sa Barangay Ugong, nag-aabang ang tatlong sasakyan, isang Toyata Vios at dalawang pampasaherong jeep, sa pagberde ng traffic light.

Nang magberde na ang traffic light, sabay-sabay humarurot ang tatlong sasakyan ngunit bigla umanong nawalan ng preno ang jeep (UVY 513) na minamaneho ni Dominador C. Bantiling, at tuluyang bumangga sa Toyota Vios ni Almer Plaza Adobo.

Sa lakas ng pagkakabangga ay nabangga ng sasakyan ni Adobo ang jeep ni Leo Salambot Tagalasia.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Aabot sa 23 pasahero ang nasugatan, kabilang ang tatlong driver, at kinilala naman ang nasawing pasahero na si Shirley L. Ibe, ng Antipolo Rizal, na nahulog mula sa jeep at matinding pinsala ang tinamo sa ulo.

Samantala, patuloy na inoobserbahan sa ospital si Bantiling.

Pinag-aaralan na ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting to injuries and homicide laban kay Bantiling.

(JENNY F. MANONGDO)