Humingi ng tulong sa Boracay Tourists Assistance Center ang isang babaeng Australian makaraang mabiktima ng pandurukot.

Ayon kay Charlotte Collingwood, nangyari ang insidente sa Barangay Manoc-Manoc Boracay highway, dakong 10:00 ng umaga.

Naglalakad umano si Collingwood at ilang kasamahan nang sumulpot ang riding-in-tandem at tinangay ang kanyang bag na naglalaman ng laptop, relo, mga alahas at P7,000 cash.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Jun N. Aguirre)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3